Fuel tax hike: bakit at para saan? – Usapang Econ
2018-12-6 · Para sa unleaded premium gasoline, mula P7 kada litro magiging P9 na ang buwis sa January 1, 2019. Para naman sa diesel fuel, mula P2.50 magiging P4.50 na ito kada litro. Ang pagtataas na ito ay ayon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, kung saan naka-schedule ang tatlong round ng bagong buwis sa 2018, 2019, at 2020.